"Hello, Sir Carlos? Si Arnaldo po ito, yung katiwala
n'yo sa
bahay-bakasyunan n'yo."
"O, Arnaldo, ikaw pala. Bakit napatawag ka? May
problema ba?"
"Ummm..., napatawag lang po ako para ipaalam sa yo na
namatay na
ang alaga niyong parrot."
"Yung parrot kong si Pikoy, patay? Yung nanalo sa bird
show?"
"Opo, Sir Carlos, 'yun na nga po."
"Putris ... sayang! Ang laki pa naman ng nagastos ko
sa
ibong 'yon...Hay buhay!....
"Teka, ano nga ba ang ikinamatay niya?"
"E, kumain po kasi ng bulok na karne...."
"Bulok na karne? At sino namang 'salbaheng-gago' ang
nagpakain
sa kanya ng bulok na karne?"
"Wa...Wala po. Nanginain po kasi siya ng karne ng
patay na
kabayo."
"Patay na kabayo? Anong patay na kabayo ang
pinagsasabi mo
Arnaldo?"
"E, 'yun pung mga thoroughbred horses n'yo Sir...."
"Namatay po kasi lahat sila... sa pagod..sa kahihila
ng mga
kariton ng tubig."
"Nasisiraan ka na ba ng bait? Anong kariton ng
tubbbiiiiggggg?"
"Yun pong pinampatay namin ng sunog."
"Diyos ko po! Anong sunog naman 'yang pinagsasasabi
mo?"
"Yun pong halos tumupok sa bahay-bakasyunan nyo..."
"Kasi po may natumbang isang nakasinding kandila,
tapos
nagliyab 'yung kurtina at mabilis na kumalat ang
apoy...."
"Ano? Puuut.... E, may kuryente naman diyan sa
bahay-bakasyunan
a. Para saan 'yung kandila?"
"Para sa burol po."
"Ano!!!? Kaninong burol?"
"Sa......sa nanay n'yo po, Sir."
"Bigla po kasi s'yang dumating dito nu'ng isang gabi,
walang
kaabi-abiso....lagpas hatinggabi na."
"Akala ko po magnanakaw. Binaril ko."
No comments:
Post a Comment